^

Metro

Kilabot sa Valenzuela nasakote ng pulisya

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagwakas na ang mali­ligayang araw ng isang umano’y kilabot na snatcher matapos itong masakote ng mga awtoridad sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Police Sr. Supt. Audie Villacin, hepe ng Valenzuela City Police, ang suspek na si Oliver Faingason, 20,  ng Compound 2,  Sitio Kabatuhan, Barangay  Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod. Nahaharap ito sa 2 counts of robbery.

Ayon sa ulat ng pulisya, sakay sa pampasaherong jeep ang biktimang si Lourdes Macasaet, 59, sales agent at pagsapit sa Fatima Avenue, Mc Arthur Highway, Barangay Marulas ng nasabing lungsod ay huminto ang sasakyan dahil sa trapik.

Dito, bigla na lamang sumulpot ang suspek at hinablot ang gintong hikaw ng biktima bago mabilis na tumakas habang agad namang nakahingi ng tulong ang ginang sa mga nagpapatrulyang pulis. Sa isinagawang follow up operation ay nadakip ang suspek at kaagad itong  dinala sa himpilan ng pulisya at nabawi ang hikaw ng biktima.

vuukle comment

ANG

AUDIE VILLACIN

BARANGAY MARULAS

DE LEON

FATIMA AVENUE

LOURDES MACASAET

MC ARTHUR HIGHWAY

OLIVER FAINGASON

POLICE SR. SUPT

SITIO KABATUHAN

VALENZUELA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with