^

Metro

Kelot kritikal sa boga ng retired police colonel

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang retired police colonel matapos nitong barilin ang kanyang kalugar dahil umano sa inggit, kamakalawa sa Makati City.

Nakakulong ngayon sa Makati City Police detention cell ang suspek na si retired police Colonel Maria­no  Fegarido, 65, ng Brgy. Cembo ng naturang lungsod. Siya ay naha­harap sa kasong frustrated homicide.

Nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan ang biktimang si Emerson Pagalilaun Jr., 53, ng nabanggit ding  barangay sanhi ng tinamong   ilang tama ng bala ng baril sa katawan.

Ayon sa pagsisiyasat ni SPO2 Dominador Robles, ng Homicide Section, Station Investigation and Detective Management Branch (SDMB), Makati City Police, naganap ang insidente ala-1:10 ng hapon sa kahabaan ng Tanguille St., Brgy. Cembo nang puntahan ng biktima ang suspek at kinompronta.

Nagalit ang suspek hanggang sa nagtalo ang dalawa at sa kainitan ng kanilang away, kinuha ng suspek ang kanyang kalibre .45 baril at ilang ulit pinaputukan si Pagalilaun.

Dali-daling isinugod ng kanyang mga kaanak ang naturang biktima at ang suspek naman ay dinakip nang nagres­pondeng mga pulis.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

CEMBO

COLONEL MARIA

DOMINADOR ROBLES

EMERSON PAGALILAUN JR.

HOMICIDE SECTION

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT BRANCH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with