^

Metro

Sumaway sa maingay, kinatay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay sa saksak ang isang binata matapos nitong sawayin ang isang grupo ng kalalakihan na nag-iinuman at nag-iingay sa tapat ng kanyang inuupahang apartment sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Leomar Addun, 27, ng Antipolo St., ng na­turang lungsod sanhi ng tinamong malalim na saksak sa dibdib. Pinag­hahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilala  lamang sa pangalang Mc Jule O. Laddaran, obrero at taga- Pandi, Bulacan.

Lumalabas sa report na natanggap ni Senior Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Nabatid na nag-iinuman ang suspek at grupo nito kasabay ng kanilang pag-iingay nang babain ng nabulahaw na biktima  kung saan sinaway nito ang grupo kasabay nang pagsasabing  nakakaistorbo sila sa mga natutulog.

Dito nag-umpisa ang mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa kinuha ng suspek ang nakatago nitong patalim at inundayan ng saksak ang biktima.

Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek habang ang biktima naman ay dali-daling dinala ng kanyang mga kapitbahay sa naturang pagamutan, subalit hindi na ito nakarating ng buhay.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANTIPOLO ST.

BULACAN

JOEL B

LEOMAR ADDUN

MC JULE O

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

SENIOR SUPT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with