^

Metro

Lady trader kinatay ng kawatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinatay ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang isang ginang na nagbabantay ng kanilang tindahan sa Caloocan City, kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Marilyn Paraiso, 53, at na­ni­nirahan sa B. Serrano St., Brgy. 108, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Calo­ocan City Police, dakong alas-6 ng umaga nang madiskubre ang duguang bangkay ng biktima ng kanyang anak na si Jerome sa may sari-sari store sa unang palapag ng kanilang bahay.

Ayon kay Jerome, nakita niyang nakadapa ang kanyang ina habang naliligo sa sariling dugo. Agad na isinugod ang biktima sa Manila Central University Hospital ngunit idineklara itong dead-upon-arrival.

Nakuha sa lugar ang isang bakal na tubong duguan at ilan pang ebidensya na maaaring buhat sa salarin. Inaalam din ng pulisya ang mga posibleng anggulo sa pamamaslang kabilang ang maaaring tangkang panghoholdap sa biktima.

Kasalukuyang kumakalap ang mga imbestigador ng dagdag na ebidensya at maaaring mga saksi na naka­kita sa naturang krimen para sa agarang pagresolba nito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BRGY

CALO

CALOOCAN CITY

CITY POLICE

JEROME

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

MARILYN PARAISO

SERRANO ST.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with