^

Metro

‘Akyat bahay gang’ muling sumalakay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling sumalakay ang grupo ng mga kawatan na miyembro ng ‘Akyat bahay gang’ sa tahanan ng isang ginang at kanilang natangay ang tinatayang nasa P1-mil­yong halaga ng pera at ari-arian sa Marikina City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Carolina de Lara, 58, may-asawa na nakatira sa Magat Salamat St., Marikina City,

Nabatid na dakong alas-8:45 ng gabi nang matuk­lasan ng ginang na pinasok sila ng mga kawatan na sinira at tinanggal ang bintana ng kanilang tahanan.

Sa reklamo sa pulisya ni Carolina, sinabi nito na maghapon silang wala sa kanilang bahay at pag-uwi nito ay doon na nalaman na nawawala na ang kanilang mga importanteng kaga­mitan tulad ng jewelry box na naglalaman ng mamahaling alahas, pera, dalawang laptop at iba pa.

Anang ginang, ni-ransacked at binuwag pa ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang kanilang mga kuwarto at damit saka tina­ngay ang lahat ng maaaring mapakinabangan kabilang na ang original land title nila sa Bulacan.

Kaugnay nito, iniutos na ni Sr./Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina City Police sa kanyang mga tauhan na nagsasagawa ng follow-up operation upang matukoy at madakip ang mga suspek.

vuukle comment

AKYAT

ANANG

BULACAN

KAUGNAY

MAGAT SALAMAT ST.

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

VINCENT CALANOGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with