^

Metro

3 sinalvage, itinapon sa ilog Pasig

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong bangkay ng hindi pa kilalang lalaki na pawang nakasilid sa itim na garbage bag ang natagpuang palutang-lutang sa Ilog Pasig sa likod ng Philippine Postal Corporation sa Lawton, Ermita, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Nakabaluktot na tila sanggol sa sinapupunan nang buksan ang mga  plastic garbage bag, nababalutan ng packaging tape ang mga mukha , may busal ang mga bibig at nakapulupot ang alambre na ipinansakal sa mga leeg , nakagapos ang mga kamay at mga paa ng mga biktima.

Inilarawan ang isa sa suot na t-shirt na puti at pulang shorts; ang ikalawa ay puti din ang t-shirt at maong na shorts; at ikatlo naman ay dark blue na t-shirt at gray ang shorts.

Sa ulat mula sa tanggapan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala- 1:00 ng madaling araw nang makita ng isang Noel Baldoz, vendor. ang mga lalaki na bumaba sa isang van.

Nagising siya sa walang puknat na pagtahol ng mga aso kaya inalam niya kung ano ang tinatahulan at nakita niya ang isang van na kulay puti na may sakay na kalalakihan at may itinapon sa Ilog Pasig.

Maliwanag na nang siya ay gumising mula sa pwesto ng kaniyang tindahan at saka naisipang alamin kung ano ang itinapon doon ay saka lamang natukoy ang kahina-hinalang mga garbage bag kaya ipinag-bigay-alam sa pulisya.

vuukle comment

ERMITA

ILOG PASIG

INILARAWAN

LAWTON

MALIWANAG

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NOEL BALDOZ

PHILIPPINE POSTAL CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with