^

Metro

Partners in crime nagsaksakan, kapwa patay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang lalaking sinasabing ‘partners in crime’ ang nagsaksakan at kapwa namatay at natagpuan sa loob ng isang bahay sa Brgy. UP Campus sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kapwa nagtamo ng saksak sa kanilang mga katawan  sina Edwin Valdez, alyas Burdado; at isang alyas Jeck, nasa pagitan ng 25-30, may taas na 5’2, may tattoo na Liezel at Jessie sa likod.

Ayon kay PO2 George Caculba, nangyari ang in­sidente sa loob ng isang bahay sa Green Thumb Garden compound sa C.P. Garcia ng nasabing barangay, ganap na alas-10:30 ng gabi.

Bago ang insidente, dumating umano ang mga biktima sa bahay ng isang Jolly Ann Calzado, pasado alas- 7 ng gabi at nakiusap sa huli na mag-stay sandali habang hinihintay ang isang kasamahan.

Dahil dito, nagpasya si Calzado at kanyang asawa na iwan na lang ang dalawa sa kanilang bahay.

Samantala, sabi ng isang Julito Avilona, nakarinig umano siya ng mga ungol  mula sa mga biktima.

Agad na nagtungo si Avilona sa barangay at ipinagbigay alam ang pangyayari kung saan kasama ang mga tropa ng Police Station 9 ay rumesponde ang mga ito sa lugar.

Pagkabukas ng mga awtoridad ng pinto na tinu­luyan ng mga biktima ay saka natuklasan ang duguang katawan ng mga ito habang kapwa walang buhay na nakahandusay sa sementadong sahig.

Samantala, sabi ni Ca­culba, may nagsabing mula dito ay pumuslit ang hindi­ naki­kilalang salarin pa­pa­takas patungo sa hindi mabatid na lugar.

Gayunman, hinihinalang kapwa nagsaksakan ang dalawa matapos na maka­rekober ang awtoridad sa lugar ng isang bolo na may habang 12 pulgada.

Sa pagsisiyasat ang bik­timang si Valdez ay nagtamo ng mga saksak sa kanyang buong katawan habang ang isa naman ay isang saksak sa likod.

Sinasabing sangkot sa ibang ilegal na gawain ang dalawa.

vuukle comment

EDWIN VALDEZ

GEORGE CACULBA

GREEN THUMB GARDEN

ISANG

JOLLY ANN CALZADO

JULITO AVILONA

POLICE STATION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with