^

Metro

Binata nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bangkay na nang matagpuan ang isang binata makaraang magbigti sa loob ng kanilang bahay sa hindi mabatid na kadahilanan sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Sa ulat ni SPO1 Erickson Isidro, ang biktima ay nakilalang si Ariel de Leon, 26, ng San Gabriel St.,Villa España, Brgy. Tatalon sa lungsod.

Ayon pa sa ulat, ang biktima ay nadiskubreng nakabitin ng kanyang kapatid na si Alvin, sa loob ng kuwarto nito, ganap na alas- 6:20 ng gabi.

Sinasabing pagpasok ni Alvin sa kuwarto ng biktima ay nagulat na lang ito nang makita ang nakabigting kapatid. Isang itim na sando na ipinalupot sa leeg ang ginamit nito sa pagpapakamatay.

Agad na humingi ng tulong si Alvin sa kanilang mga ma­gulang at itinakbo ang kapatid sa De Los Santos Medical Center pero idineklara ring dead on arrival.

Blangko naman ang awtoridad sa motibo ng pagpapakamatay ng biktima.

vuukle comment

ALVIN

AYON

BANGKAY

BLANGKO

DE LOS SANTOS MEDICAL CENTER

ERICKSON ISIDRO

SAN GABRIEL ST.

VILLA ESPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with