^

Metro

Sa ipinasang resolution sa konseho P5-M tulong sa pamilya ng 44 SAF, hindi sapat-Isko

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naniniwala si Manila Vice Mayor Isko Moreno na  higit sa financial assistance na mas kailangan ng  mga pamilya ng  mga naulila ng  44 Special Action Force (SAF) members ang hustisya matapos na  maganap ang  madugong masaker sa Mamasapano, Maguindanao noong nakaraang linggo.

Ayon kay Moreno, bagama’t nagpasa  ng resolusyon ang  konseho ng Maynila para sa tulong na P5-milyon sa mga naulila ng 44 SAF members hindi pa rin umano ito sapat kumpara sa dalamhati na nararamdaman ngayon ng  mga asawa, anak at magulang.

Agad namang inaprubahan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang resolusyon kung saan makatatanggap ng P100,000 ang pamilya ng 44 namatay habang P50,000 naman sa mga sugatan.

Sinabi ni  Moreno na hindi  niya alam  kung saan magsisimula o ipapaliwanag ang nararamdaman nang kanyang binisita ang pamilya at mga naulila ng dalawa sa SAF members sa Aurora, Isabela na nagbuwis buhay para sa bayan.

“Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa maybahay ni PO3 Andres Duque na kakapanganak pa lamang sa kanilang apat na buwang sanggol at sa kanilang dalagitang panganay ang mga pangyayari o kaya ay kung paano ko maiibsan ang dalamhati ng tatay ni PO3 Rodrigo Acob, ang team leader ng SAF team na nakasagupa ng mga rebelde na halos walang tigil kakaiyak. Hindi ko alam kung paano ko maipadarama ang aking lubos na pagdadalamhati sa kanyang asawa at anak na may pangarap ding maging sundalo balang araw”, ani Moreno na siya ring Pangulo ng Vice Mayor’s League of the Philippines.

Giit ni Moreno, ang nais lamang ng mga pamilya ay  may malinaw na managot maging ito man  ay sa hanay ng  gobyerno o MILF.

 

vuukle comment

ANDRES DUQUE

LEAGUE OF THE PHILIPPINES

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MORENO

RODRIGO ACOB

SPECIAL ACTION FORCE

VICE MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with