^

Metro

‘Padyak boy’ utas sa kabaro

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay sa saksak ang isang 38-anyos na pedicab driver na nagawa pang maibunyag sa kaniyang live-in partner kung sino ang salarin bago tuluyang malagutan ng hininga, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Bagama’t namatay noon din si Brian Macasadia dahil sa dalawang saksak sa dibdib, nagawa pa nitong maibulong  sa kanyang  live-in partner na si Sheilah Gail Grabador ang suspek na  si Ar-Ar Panicam, nasa  25-30 anyos at residente ng Gate 5, Parola Compound, Tondo. Hinahanting na ngayon ito ng  mga awtoridad.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, bandang ala-1:45 ng mada­ling araw  nang maganap ang pananaksak sa bangketa na sakop pa ng MICP compound ng Pier 2, North Harbor, Tondo, malapit sa  Gate 3.

Natutulog umano ang biktima sa bangketa, kasama si Grabador, 24 at ang kanilang anak nang lapitan ng suspek at walang sabi-sabing tinarakan ng dalawang ulit ito sa dibdib.

 Tumayo pa ang biktima at nagawa pang makahakbang ng ilang metro upang magpasaklolo subalit bumagsak ito at tuluyang bumulagta sa sementadong kalye.

Nagising si Grabador at sinabi dito kung sino ang umatake ng saksak sa kaniya dahil nakatakas na ang suspek.

Alitan umano sa pedicab ang matagal nang nama­magitan sa dalawa.

vuukle comment

AR-AR PANICAM

BRIAN MACASADIA

GLENZOR VALLEJO

GRABADOR

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

NORTH HARBOR

PAROLA COMPOUND

SHEILAH GAIL GRABADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with