^

Metro

Roxas Boulevard bubuksan muli sa mga truck – MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Simula sa Lunes (Pebrero 2) ay pansamantalang papayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga truck na dumaan sa  kahabaan ng  Roxas Boulevard.

Ito ay matapos na pirmahan ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang isang memorandum circular na nagbibigay pahintulot sa mga trucks na gamitin o dumaan sa kahaban ng  Roxas Boulevard simula sa Lunes, mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas- 5:00 ng madaling-araw.

Sinabi ng MMDA, na da­lawang linggo lamang umano ito magiging epektibo, simula Pebrero 2 hanggang Pebrero 15 ng taong kasalukuyan.

Nilinaw ni Tolentino, na hindi ito ipapatupad sa umaga­ ng Pebrero 7 at 14 dahil inaasahang makadag­dag ito sa matinding trapik dahil weekends.

Naniniwala si Tolentino na makakatulong rin ito sa sinisikap ng pamahalaan na malutas ang problema ng port congestion.

Sinabi pa ni Tolentino, na pagkatapos aniya nito ay nakatakda nang isailalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa rehabilitasyon ang Roxas Blvd.bilang prepa­rasyon naman sa idadaos ng APEC summit sa darating na Nobyembre.

Matatandaan na noong Disyembre ng nakaraang taon ay nagpatupad ng bagong truck regulation ang MMDA sa kahabaan ng Roxas­ Boulevard bilang bahagi ng paghahanda sa pista ng Itim na Nazareno at sa Papal visit.

vuukle comment

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DISYEMBRE

ITIM

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PEBRERO

ROXAS BLVD

ROXAS BOULEVARD

SINABI

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with