^

Metro

Tanod dinedo ng kabaro

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Makaraang alaskahin, pinatay pa ng isang barangay tanod ang kanyang kapwa tanod kama­kalawa ng  gabi sa Tondo, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa ospital ang  biktimang  si Alier Aparis, 49, ng #04 Romana Ext. Tondo, Maynila sanhi ng dalawang saksak sa  dibdib habang  pinaghahanap naman ang suspek na si Hapelito Obrique, alyas Jun,40.

Sa imbestigasyon ni  PO3 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section naganap ang insidente ng bandang 8:00  ng gabi sa kahabaan ng Romana Ext. malapit sa panulukan ng Roxas St., sa Tondo.

Lumilitaw na volunteer tanod ang biktima at nagtitinda din ng alkansiya nang lumapit ang lasing na suspek at saka inasar ang  una hanggang sa humantong sa mainitang pagtatalo.

Bagama’t napaghiwalay, muling binalikan ng suspek ang biktima makalipas ang ilang minuto at agad na sinaksak ng kutsilyo ang biktima.

Hindi naman nagawang mapigilan ang suspek kaya’t mabilis itong nakatakas.

vuukle comment

ALIER APARIS

BAGAMA

DENNIS TURLA

HAPELITO OBRIQUE

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

ROMANA EXT

ROXAS ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with