^

Metro

Galit sa live-in partner ibinunton sa iba dishwasher sinaksak, dedo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi akalain ng isang dishwasher na ikamamatay niya ang  galit ng isang 39 anyos na lalaki  nang sa kanya ibinunton ang  galit nito sa live-in partner kamakalawa ng hapon sa Paco, Maynila.

Hindi na naisalba pa ng  mga doctor sa Ospital ng Maynila, ang biktimang si Jexter Jimena, ng 1680 Genales St. Paco, Maynila na nagtamo ng isang tama ng saksak ng kutsilyo sa dibdib.

Agad namang naaresto ang suspek na si Ronnele Maliwat ng 1639 Santiago St. Paco, Maynila.

Sa pagsisiyasat ni  SPO2 Jonathan Bautista, ng Manila Police District-Homicide Section, bago ang insidente, nag-iinuman ang suspek kasama ang live-in partner na si Liberty at pinsang si Jerald Joseph. Makalipas ang isang minuto ay nagpa-alam si Joseph sa suspek at kay Liberty

Nagulat na lamang si Joseph nang marinig ang pag-aaway ng  suspek at ni Liberty.  Gayunman hindi niya  pinakialaman ang mga ito dahil na rin sa away mag-asawa.

Narinig lamang niyang  binitiwan ng  suspek ang pahayag na  “Mahal kita pero niloloko mo ako”.

Ilang sandali pa ay lumabas ang suspek at naghahamon na ng away sa lahat ng kanyang nakita at dito na sinaksak ng suspek ang biktima.

Sinabi naman ng  suspek na inunahan lang niya ang biktima sa pangambang  siya ang patayin nito dahil papalapit na sa kanya. (Doris Franche-Borja)

vuukle comment

DORIS FRANCHE-BORJA

GENALES ST. PACO

JERALD JOSEPH

JEXTER JIMENA

JONATHAN BAUTISTA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

RONNELE MALIWAT

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with