^

Metro

Dating away naungkat stude patay sa kapwa estudyante

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang estud­yante matapos itong saksakin ng umano’y dalawa ring estudyante ng Central Escolar University (CEU) dahil  lamang  sa dati nilang away noong high school pa lamang sa loob ng isang resto bar,  kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Dead-on-arrival sa Makati Medical Center (MMC) ang biktimang si Emmanuel Dorado, 28, ng Rockefeller St., Brgy. San Isidro ng naturang lungsod, 1st year college sa Asian Business Education (ABE) sanhi ng tinamong malalim na saksak sa dibdib.

Samantala, pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na nakilalang sina Tristan Venavidez at isang alyas Niko, kapwa estudyante  ng CEU.

Sa report na natanggap ni Senior Supt. Ernesto Barlam, hepe ng Makati City Police, naganap ang insidente alas-11:32 ng gabi sa loob ng isang resto bar na matatagpuan sa  Malugay St., Brgy. San Antonio Village ng naturang siyudad.

Nabatid na kasama ng mga suspek na nakasuot pa ng CEU uniform ang ilan nilang kaibigan at nag-iinuman sa loob ng naturang bar, gayun­din ang biktima na ka­sama rin nito ang ilang kaibigan.

Dahil pawang nakainom ang mga suspek, namataan nila ang biktima at dito na­ungkat ang dati nilang alitan hanggang sa nagkaroon ng komos­yon ang magkabilang panig.

Sa kainitan ng away, kumuha ng patalim ang mga suspek at inundayan ng saksak ang biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas sina Venavidez at alyas Niko habang ang biktima naman ay  dali-daling dinala ng ilang taong naroroon sa nabanggit na ospital, subalit hindi na umabot pang buhay.

Sa nakalap na impormas­yon ng pulisya, may dating alitan ang isa sa suspek na si Venavidez at biktima noong sila ay nasa high school pa lamang kung saan muling nag-krus ang kanilang landas at lalong uminit ang galit sa isa’t isa.

vuukle comment

ASIAN BUSINESS EDUCATION

BRGY

CENTRAL ESCOLAR UNIVERSITY

EMMANUEL DORADO

ERNESTO BARLAM

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MAKATI MEDICAL CENTER

MALUGAY ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with