^

Metro

Brgy. chairman, parak kinasuhan sa bigong salvage

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinagharap na nang kasong frustrated murder ang apat na katao, kabilang ang isang barangay chairman at pulis kaugnay sa bigong salvage sa 21-anyos na binata noong nakaraang buwan sa Taguig City.

Ang mga kinasuhan sa Taguig City Pro­secutor’s Office ay sina PO3 Raiden Palma, nakatalaga sa Taguig City Police; Brgy. Chairman Nicknok Duenas; Ronilo Laraya at isang hindi pa nakikilalang suspek.

Samantala, kinilala naman ang biktima na  si Mike Arnel delos Santos, na masuwer­teng nabuhay makaraang magtamo ng walong tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ilang linggo rin itong nilapatan ng lunas sa Taguig-Pateros District Hospital at nasa comatose pa ang kalahating katawan nito, dahil ang  balang tumama sa spine nito na malapit sa ari  na hindi pa naaalis.

Base sa reklamo ng mga kaanak ng biktima sa tanggapan ni Chief Inspector Romeo Ramos Nino, hepe ng  Criminal Investigation and Detection Group (CIDG),  na nakabase sa Southern Police District (SPD), naganap ang insidente noong Oktubre 26, 2014, ala-1:20 ng madaling-araw sa Middle St., Signal Village, Brgy. Central, Taguig City.

Lumalabas sa report, si Delos Santos ay natagpuan ng kanyang kaibigan na duguan at iniwan sa tabi nito ang isang karatula, na nakasaad ang mga katagang “magnanakaw, karnaper ako huwag ninyo akong tularan”. Dito ay pinara ng tumulong na kaibigan ni Delos Santos ang isang paparating na sasakyan at agad na naisugod ang biktima sa pagamutan.

Doon nalaman na si Delos Santos ay tinangkang i-salvage ng  mga suspect.

Sa ngayon ay nasa isang safehouse para sa seguridad nito at may impormasyon na nais umanong makipag-areglo ng mga suspek sa biktima, ngunit hindi ito pumayag at ang pamilya nito.

vuukle comment

BRGY

CHAIRMAN NICKNOK DUENAS

CHIEF INSPECTOR ROMEO RAMOS NINO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DELOS SANTOS

MIDDLE ST.

MIKE ARNEL

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with