^

Metro

4 timbog sa shabu, marijuana

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat katao ang natimbog ng mga operatiba ng Manila Police District sa isinagawang buy-bust operation, sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Chief Insp. Glenn Gonzales, hepe ng District Anti-Illegal Drugs ang mga suspek na sina Robert Crisini, 57, ng Suter St, Sta. Ana, Maynila; Allan Biasa 45, ng 1910 Campillo St., Paco; Pia Cunanan, 43, ng Mataas na Lupa St., Paco at ang isang Mhiann San Miguel, 21, dalaga ng Gonzales St., San Andres, Manila.

Nasamsam sa mga suspek ang may tinatayang 500 gramong hinihinalang metham­phetamine hydrochloride o shabu at isang malaking bag na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Dakong alas-4:30 ng  hapon nang maganap ang ope­ras­yon kung saan nagpanggap na buyer ng shabu si SPO1 Marian Esmas, isa sa operatiba at naganap ang buy bust sa panulukan ng New Panaderos at A. Bautista Sts., sa Sta. Ana.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa mga naaresto.

 

vuukle comment

ALLAN BIASA

BAUTISTA STS

CAMPILLO ST.

CHIEF INSP

GLENN GONZALES

GONZALES ST.

LUPA ST.

MANILA POLICE DISTRICT

MARIAN ESMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with