^

Metro

Salesboy utas sa ex ng nobya

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Utas sa 20 saksak ang isang 21-anyos na salesboy habang ang kasamang sales­lady nito ay kritikal naman sa 4 na saksak nang atakehin ng  live-in partner  ng huli na nagselos makaraang maaktuhang magkasama ang dalawa sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arival  sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Jesper Puyat, binata, ng Sta. Cruz, Maynila  habang nasa malubhang kalagayan pa dahil sa mga tinamong saksak ang kasamahan nitong saleslady na si Rosemarie Badiola, 21. 

Arestado naman ang suspek na kinilalang si Ruel Maghuyop, 21, namamasukan sa call center, at residente rin sa Sampaloc, Maynila nang makorner ng mga barangay tanod at ng Alvarez-Police Community Precinct .

Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:15 ng gabi, nang maganap ang nasabing insidente sa labas ng Odeon Terminal Mall.

Sa imbestigasyon, nagseselos umano ang suspek dahil hindi natulog sa kanyang piling ang kinakasamang si Badiola nitong nakalipas na Lunes at sa pagtatanong ay nalaman umano na nakitulog sa boarding house ni Puyat na naging dahilan ng kanilang pag-aaway.

Sinabi ng suspek na may anak silang babae na nasa 5-buwan na.

Anang suspek, nang magtapat ang kinakasama na may iba na itong mahal ay gumuho ang kanyang pangarap  at na­walan ng saysay ang pag-iipon ng pera para sa binyag ng anak at kasal nila lalo na nang maaktuhan niyang naglalambingan habang naglalakad ang dalawa  nang puntahan niya sa trabaho.

 

vuukle comment

ALVAREZ-POLICE COMMUNITY PRECINCT

CRUZ

JESPER PUYAT

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARLON SAN PEDRO

MAYNILA

ODEON TERMINAL MALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with