^

Metro

16% ng call center agent, positive sa AIDS – QC Health Office

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa 16 porsi­yento ng mga call center agent at Information Technology personnel ang po­sitibo sa sakit na AIDS.

Ito ang sinabi ni  QC asst. health officer II Verdades Linga matapos makumpirmang positibo sa nasabing sakit ang may 600-katao na sumailalim sa isinagawang AIDS test.

Sa naturang bilang anya na may sakit, aabot sa 6.2 percent naman ay teacher, estudyante, negosyante at mga nag-oopisina.

Gayon pa man, nanlumo si Linga dahil  sa mahigit 600 nag-positive sa AIDS na kanilang libreng nasuri, 62 lamang sa mga ito ang bumalik  sa tanggapan kaya  ang mga ito lamang ang patuloy na natutulungan ng lokal na pamahalaan para  libreng magamot ang sakit sa Clinika Bernardo.

Ang Clinika Bernardo na naipatayo ng QC gov’t noong 2012  ay patuloy na nagbibigay ng tulong at serbisyo sa mga maysakit  sa AIDS  kahit na ang mga pasyente ay hindi residente sa Quezon City.

Natulungan din ang mga maysakit mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila, Pangasinan, Laguna at Rizal nitong mga nakalipas na buwan.

Nakapagtala naman ang QC Health department ng  5-kataong namatay sa sakit na AIDS ngayong 2014 kung saan dalawa ay  mula sa  Quezon City at ang tatlo naman ay mula sa ibang lugar.

Hinikayat din ni Linga ang mga biktima na huwag mahiya at magtungo sa nabanggit na tanggapan para matulungan at mabigyan ng libreng gamutan.

vuukle comment

ANG CLINIKA BERNARDO

CLINIKA BERNARDO

GAYON

INFORMATION TECHNOLOGY

METRO MANILA

QUEZON CITY

VERDADES LINGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with