^

Metro

Binata, hulog sa veranda

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 24-anyos na binata nang mahulog mula sa veranda ng kanilang tahanan sa Pasig City kahapon ng umaga.

Bali sa tadyang ang ikinasawi ng biktimang si Daryll Ilao, ng Unit 4B, Queensland St., Greenpark Village, Bgy. Manggahan, Pasig City.

Batay sa initial report ni SPO1 Rolando Anselmo, Jr., ng Station Investigation Detection Management Branch (SIDMB) ng Pasig City Police, nabatid na dakong alas-6:00 ng umaga nang maganap ang aksidente sa mismong veranda ng kanilang tahanan, na tinatayang nasa 40-talampakan ang taas.

Hindi pa naman umano matukoy ng mga imbestigador kung paanong nahulog ang biktima sa veranda dahil hindi pa umano nila makausap ang live-in partner nito na na-shock sa pangyayari at iyak lamang umano ng iyak.

Sa kuwento naman ng mga kasambahay ng biktima, nakarinig na lamang umano sila ng kalabog at nang kanilang tingnan ay nakita nilang nakabulagta na ang biktima sa sementadong ground floor.

Isinugod pa umano nila ito sa St. Anthony Hospital sa Marikina City ngunit nasawi rin. 

 

vuukle comment

BATAY

DARYLL ILAO

GREENPARK VILLAGE

MARIKINA CITY

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

QUEENSLAND ST.

ROLANDO ANSELMO

ST. ANTHONY HOSPITAL

STATION INVESTIGATION DETECTION MANAGEMENT BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with