^

Metro

Suspect pa sa pagpatay sa nanay ni Cherry Pie, sumuko

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hawak na ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa pa sa itinuturong suspek sa  pagpatay sa ina ng aktres na si Cherry Pie Picache.

Ito’y matapos na su­muko kahapon ng hapon sa NBI headquarters sa Maynila ang suspek na si Sherwin Ledesma.

Ayon kay Ledesma, siya ay kusang lumutang para linisin  ang  kanyang  pa­ngalan dahil wala umano siyang kinalaman sa nabanggit na krimen.

Wala umanong kato­tohanan ang pagsasangkot sa kanya ng nadakip na pa­ngunahing suspect na si Michael Flores, na kasama siya sa panloloob sa bahay ng biktimang si Zenaida Sison.

Gayunman, aminado siya na kakilala niya si Flores pero wala siyang kinalaman sa krimen at sa katunayan, hindi rin niya alam na nagta­trabaho si Flores kay Sison.

Bukod sa nasorpresa siya sa pagdadawit sa kanya­, nagalit din siya dahil sa walang katotohanan ang mabigat na paratang.

Isinasailalim si Ledesma sa interogasyon para sa determinasyon kung dapat siyang kasuhan gayunman, wala rin naman umanong matibay na batayan na sangkot siya sa panloloob.

Magugunitang matapos na maaresto si Flores ng mga tauhan ng QCPD at Sta. Rosa Police sa Sta. Rosa sa Laguna, inamin nito ang pagkakasangkot sa krimen.

Itinuro pa nito ang dalawang kasapakat na isa nga rito ay si Ledesma.

Binanggit din ni Flores na pagnanakaw lamang ang kanilang pakay at napatay lamang ang biktima nang ma­gising ito at mahuli sila sa loob ng bahay.

 

vuukle comment

AYON

CHERRY PIE PICACHE

LEDESMA

MICHAEL FLORES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

ROSA POLICE

SHERWIN LEDESMA

SHY

ZENAIDA SISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with