^

Metro

Taxi driver hinoldap ng 2 pasahero

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nauwi sa wala ang pagpupursigi ng isang taxi driver na makapag-uwi ng malaking halaga sa kanyang pamilya, matapos na holdapin ng dalawa niyang pasaherong lalaki at tangayin ang kinita sa magdamag na pamamasada na higit sa P3,000 sa lungsod Quezon.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Station 3, ang biktima ay kinilalang si Gilbert Lopez, 40, ng Brgy. Pasong Tamo sa lungsod. Malungkot na nagtungo si Lopez sa nasabing himpilan upang magreklamo kaugnay sa nasabing insidente.

Sa imbestigasyon ni PO3 Arielito Canlas, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Congressional Avenue, Brgy. Bahay Toro, ganap na alas-5 ng madaling-araw.

Bago ito, sumakay ang mga suspek sa taxi ng biktima sa nasabing lugar, subalit hindi pa sila nakakalayo ay nagdeklara na agad ng holdap ang mga una, gamit ang patalim saka sinimulang kunin ang kita ng huli na may kabuuang P3,460.

Matapos makuha ang pakay sa biktima, agad na nagsipagbabaan ang mga suspek at tumakas. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing in­sidente.

vuukle comment

ARIELITO CANLAS

BAHAY TORO

BRGY

CONGRESSIONAL AVENUE

GILBERT LOPEZ

LOPEZ

MALUNGKOT

PASONG TAMO

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with