^

Metro

Illegal demolition ng religious group kinondena

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinondena ng mga residente ng Bgy. 732, Singalong, Maynila ang ginawang  illegal demolition ng isang  religious group sa kanilang  bahay sa kasagsagan ng bagyong Mario.

Ayon sa mga residente, iligal ang ginawa ng Pentecostal Missionary Church of Christ 4th Watch, na pagmamay-ari umano ng isang  Arsenio Feriol nang iutos nito ang  umano’y pagpapagiba sa mga bahay sa kasagsagan ng bagyo bukod pa sa kawalan ng  court order.

Bunsod nito,  nagpasaklolo kay Manila Vice Mayor  Isko Moreno ang  may 11 pamilya na na­apektuhan ng  illegal demolition  kung saan agad na inutos  ng bise alkalde ang paggiba sa bakod na inilagay ng religious group.

Nabatid na  sa bang­keta pansamantalang na­malagi ang mga na­apektuhang residente matapos na bakuran at itapon ang kanilang mga gamit ng  demolition team.

Sinabi ni Moreno, ma­higpit na ipinagba­ba­wal ang  pag-demolish sa mga bahay kung bagyo at gabi, kailangan din umanong may koordinasyon sa city government  at may court order.

Lumilitaw din sa record sa pagbabayad ng amilyar na ang lupa ay pagmamay-ari pa rin ng isang  Mr. Acosta.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga residente kay Moreno kung saan sinabi ng mga ito na 1946 pa sila nakatira sa lugar.

Napag-alaman na Set­­yembre  19,  kasabay ng paghagupit ng bagyong Mario nang isagawa ng  grupo umano ni Feriol ang  paggiba sa mga bahay sa kabila ng kanilang  pagmamaka-awa.

 

vuukle comment

ARSENIO FERIOL

ISKO MORENO

MANILA VICE MAYOR

MARIO

MORENO

MR. ACOSTA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with