^

Metro

Helper inatado ng 2 kabaro

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang hel­per makaraang pagtulungang tagain at saksakin ng dalawa niyang kasamahan dahil lamang sa hindi pagka­kaunawaan habang nag-iinuman sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot si  Neil Tulabing, 28, binata, dahil sa mga tama ng pananaga at saksak sa kanyang ulo at katawan, ayon kay PO2 Julius Raz, may-hawak ng kaso.

Isa sa mga suspek na si Jason Hizola, 20, ay agad namang nadakip, habang ang kasamahan nitong si William Godello, ay nakatakas.

Nangyari ang insidente sa may parking lot ng Elamont Mar­keting na pinagtatrabahuhan ng mga biktima at mga suspek, sa no. 199 Kanlaon St., Brgy. Maharlika, ganap na alas-11 ng gabi.

Bago ito,  masayang nag-inuman ang biktima at mga suspek sa lugar hanggang sa tamaan na ang mga ito ng espi­ritu ng alak at nauwi sa pagtatalo ang kanilang kwentuhan.

Ayon sa isang Rommel Gaguyo, naging mainit ang pagtatalo ng biktima at ni Hizola, hanggang sa kumuha ng butcher knife si Go­dello at inatake ang una.

Sa puntong ito, kumuha rin si Hizola ng kitchen knife at tumulong ito kay Godello sa pag-atake sa biktima na nagawang makatakbo.

Subalit, pagsapit sa gate ay nakorner ng mga suspek ang biktima, hanggang sa tagain na ito ni Godello sa ulo. Kahit sugatan, tinangka pa ng biktima na tuma­kas pero sinundan siya ng mga suspek at mu­ling pinagtulungang ta­gain at saksakin sa katawan na agad na ikinamatay nito.

Sa pagresponde ng mga barangay tanod na sina  Alvin Mercene, Frank Bagay at Darevin Veron ay nadakip si Hizola habang nakatakas naman si Godello.

 

vuukle comment

ALVIN MERCENE

DAREVIN VERON

ELAMONT MAR

FRANK BAGAY

GODELLO

HIZOLA

JASON HIZOLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with