^

Metro

MPD pinag-iingat sa ‘hulidap’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaaalahanan ni  Manila 4th District Councilor Anton­ Ca­pistrano­ ang mga pulis ng Manila Police District na ingatang masangkot sa anumang insidente ng ‘hulidap’ upang maiwasang mabahiran ang imahe ng MPD.

Ayon kay Capistrano na chairman ng Committee on Peace and Order, dapat na mabigyan ng proteksiyon ang publiko mula sa mga mapang-abusong pulis na ang  modus operandi ay ‘hulidap’.

Sinabi ni Capistrano na unti-unti nang naaayos ang May­nila at mababa na rin ang crime rate kung kaya’t dapat lamang na panatilihin ng mga pulis ang kanilang ma­gandang  image sa publiko na nangunguna sa nagbibigay ng  seguridad at proteksiyon.

Bagama’t  tiwala siya sa pamamalakad ni MPD Director Chief Supt. Rolando Asuncion sa kanyang kapulisan, kaila­ngan pa ring maging mapagmatyag ito sa kilos ng kaniyang mga pulis upang maiwasang masangkot sa usapin ng ‘hulidap’ tulad na rin ng  pagkakasangkot ng mga pulis - La Loma sa Quezon City kamakailan.

Giit ni Capistrano, ibinibigay naman ng city government partikular nina Manila Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno ang pangangailangan ng mga pulis kung kaya’t walang dahilan upang ang mga ito ay masangkot sa anumang uri ng katiwalian.

Panawagan naman ni Capistrano sa mga Manilenyo, agad na magreklamo kung nakararanas ng  pang-aabuso mula sa mga pulis ng MPD upang agad na mabigyan ng  aksiyon.

Aniya, hindi dapat na kunsintihin ang anumang uri ng pang-aabuso o katiwalian sa hanay ng pulisya lalo pa’t panguna­hing  tungkulin ng mga ito ay proteksiyunan ang publiko mula sa iba’t ibang uri ng krimen.

vuukle comment

CAPISTRANO

DIRECTOR CHIEF SUPT

DISTRICT COUNCILOR ANTON

LA LOMA

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA POLICE DISTRICT

PEACE AND ORDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with