^

Metro

Kelot nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang walang buhay na nakabigti sa isang puno malapit sa isang TV station sa lungsod Quezon, ayon sa pu­lisya kahapon.

Ayon kay PO2 Louie Serbito, may-hawak ng kaso, wala silang nakuhang pagkakakilanlan sa biktima na isinalarawan na nasa pagitan ng edad na 30-35, nakasuot ng itim na t-shirt at asul na short pants, may mga tattoo na heart shape, barbwire, sa kanang braso.

Nadiskubre ang biktima alas-7:45 ng gabi sa isang puno malapit sa pasukan ng GMA network na matatagpuan sa GMA drive corner Samar St., Brgy. South Triangle.

Nag-iikot sa lugar para mag-inspeksyon ang isang guwardiya ng istasyon nang makita ang biktima sa nasabing puno habang na­ka­bigti gamit ang plastic straw.

Agad na ipinagbigay alam ng guwardiya ang insidente sa kanilang super­visor hanggang sa otoridad.

Sabi ni Serbito, bago ang insidente, sinasabing alas-3 ng hapon ay nagpunta umano ang biktima sa GMA at hinahanap si Mike Enriquez para magsumbong kaugnay sa madalas na pananakit umano sa kanya ng kanyang nanay.

Gayunman, hinihinalang may diperensya sa pag-iisip ang biktima, bagay na patuloy na iniimbestigahan ngayon ng otoridad.

vuukle comment

AYON

BRGY

GAYUNMAN

ISANG

LOUIE SERBITO

MIKE ENRIQUEZ

NADISKUBRE

SAMAR ST.

SOUTH TRIANGLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with