^

Metro

BF sangkot sa abortion ng 18-anyos na estudyante

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Posibleng maharap sa kasong kriminal ang isang 21-anyos na call center agent na nagsugod sa pa­gamutan sa 18-anyos ni­yang nobya, matapos matukoy na nakunan ito at dinugo dahil sa ipinainom na pampalaglag, sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.

Nabatid sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, nakaratay sa UERM Hospital ang bik­timang  itinago sa pa­ngalang “Lelet”, nanunulu­yan sa isang boarding house sa Sta. Mesa, at tubong Pampanga.

Dahil naman sa tawag ng nasabing ospital sa tang­gapan ng Homicide Section, inimbitahan at isinasailalim sa interogasyon ang boyfriend ng biktima na kinilalang si Michael Constantin, tubong Tarlac at nanunuluyan sa Teresa st., Sta. Mesa, Maynila.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo, may hawak ng kaso, dakong alas-6:00 ng umaga ng makatang­gap sila ng tawag mula sa UERM Hospital  hinggil sa insidente ng abortion.

Lumilitaw  na kamakalawa pa ng gabi isinugod ng suspek ang nobya sa UERM dahil sa hindi ma­pigilang pagdurugo ng ari.

Nakakuha ng impor­masyon sa biktima ang im­bestigador na may tablet na ipinainom sa kaniya ang nobyo matapos malaman na buntis siya.

Bukod sa isang pirasong tablet na nainom niya, nilagyan din umano siya ng nobyo mismo sa ari ng dalawang pirasong tablet, na pinaniniwalaang da­hilan ng patuloy na pagdurugo ng kaselanan.

Ligtas na sa panganib ang biktima subalit kumpirmadong nalaglag na ang dinadala nito sa sinapupunan.

Sakaling mapatunayan, maaring sampahan ng kasong abortion o paglabag sa Article  258 ng Revised Penal Code.

vuukle comment

BUKOD

DAHIL

GLENZOR VALLEJO

HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MICHAEL CONSTANTIN

REVISED PENAL CODE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with