^

Metro

Sekyu binoga ng tandem

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondis­yon ang isang guwardya nang barilin ito ng isa sa dalawang hindi kilalang lalaki lulan ng motorsiklo makaraang  hindi padaanin ng una ang mga huli sa binabantayan nitong gate sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Inoobserbahan sa Tala Hospital sanhi ng tama ng bala sa tiyan  ang biktimang si Roy Nugas, 21,  ng Phase 4, Bagong Silang ng naturang lungsod. 

Lumalabas sa imbes­tigasyon ng Caloocan City Police, naganap ang in­sidente alas-2:45 ng ma­daling-araw sa Gate 2, Victory Heights Subdivision ng naturang lungsod habang nakabantay ang biktima sa gate ng naturang subdivision nang dumating ang mga suspek sakay ng isang Honda­ Wave na hindi na nakuha ang plaka.

Nabatid na nagpupumilit ang mga ito na makapasok sa gate. Hindi naman pumayag ang biktima hanggang sa magalit ang isa sa mga suspek sabay bunot ng baril at pinutukan ang naturang guwardya  bago nagsitakas.

Dinala naman ang bik­tima sa naturang ospital  kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino ang mga suspek.(Lordeth Bonilla)

 

vuukle comment

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DINALA

LORDETH BONILLA

ROY NUGAS

TALA HOSPITAL

VICTORY HEIGHTS SUBDIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with