^

Metro

‘Gapos gang’ sumalakay, pamilyang Tsinoy biniktima

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nabiktima ng tinaguriang ‘Gapos gang robbery group’ ang isang pamilyang Tsinoy na natangayan ng malaking halaga ng salapi at alahas sa  Valenzuela City, kamakailan.

Sa naantalang ulat ng Valenzuela City Police, nakilala ang mga biktima na sina Senga Alfredo Lee, isang sales executive; kanyang misis na si Maria Theresa; dalawa nilang anak na may edad 13 at 15-anyos, at dalawang kasambahay.

Nabatid na paalis na sa kanilang bahay sa Brgy. Marulas, ang pamilya Lee upang pumasok sa trabaho at paaralan lulan ng kanilang Toyota Fortuner  dakong alas-7 ng umaga nang harangin ng apat na armadong lalaki at inutusan silang bumaba sa sasakyan.

Dinala ng mga suspek ang mga pamilya Lee at dalawang kasambahay sa master’s bedroom at doon itinali ang paa at kamay gamit ang electrical cords.  Dito hinalughog ng mga magnanakaw ang buong kabahayan at tinangay ang mga pera, alahas, bank passbooks, ATM cards, at iba pang importanteng dokumento.

Mabilis na nakatakas ang mga salarin lulan ng hindi mabatid na uri ng behikulo.  Nagawa namang makaalpas sa pagkakagapos ang mga biktima ngunit umabot pa umano ng tatlong oras bago nila naisuplong sa Valenzuela City Police ang insidente.

vuukle comment

BRGY

DINALA

DITO

MABILIS

MARIA THERESA

SENGA ALFREDO LEE

TOYOTA FORTUNER

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with