^

Metro

Stude, sugatan sa ligaw na bala

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 14-anyos na estudyante ang sugatan sa  ligaw na bala na para sana sa isang lalaki sa Binondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot ngayon sa Tondo Medical Center ang biktimang si Caroline Jane dela Cruz, ng Ri­vera St., Tondo sanhi ng tama ng bala sa kanyang kanang hita.

Sa report ni Supt. Jose Villanueva, Station Commander ng Manila Police District (MPD)-Station 7, dakong ala-1:15 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng J. Planas at Ka­gandahan Sts., Tondo, Manila.

Naglalakad ang biktima sa nasabing lugar patungo sa tinitirhang bahay nang isang lalaki ang tumatakbong dumaan hanggang sa nakarinig na lamang siya ng sunud-sunod na putok ng baril hanggang sa napansin na may dugong umaagos sa kanyang kanang hita dahilan upang dalhin siya sa ospital.

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang nagpaputok na hinalang  may humahabol sa lalaking dumaan sa kanyang harapan at siya ang pakay dito.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

BINONDO

CAROLINE JANE

CRUZ

GINAGAMOT

INAALAM

JOSE VILLANUEVA

MANILA POLICE DISTRICT

STATION COMMANDER

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with