^

Metro

Nakialam sa away, tinodas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ng isang mister ang kanyang kapitbahay na lalaki na nakialam sa away nila ng  kanyang misis, kama­kalawa ng hapon sa Caloocan City.

Bagama’t naisugod pa sa  Caloocan City Medical Center idineklara na ring patay si Francisco Urbano, 46, ng Libis Espina St., ng naturang lungsod. Nagtamo ito ng isang tama ng bala sa dibdib.

Nakatakas naman at pinaghahanap ngayon ang suspek na nakilalang si Amado Casas, kapitbahay ng biktima.

Sa ulat ng Caloocan Police, nagtatalo at nagsisigawan ang mag-asawang Casas dakong alas-5:30 kamakalawa ng hapon sa tapat ng kanilang bahay nang makialam at umawat umano si Urbano dahil sa eskandalong nililikha ng dalawa.

Sa halip na mahiya sa ginagawa, napikon ang suspek na bumunot ng baril at pinaputukan ang kapitbahay. Tumakas ito matapos ang pamamaril. 

vuukle comment

AMADO CASAS

BAGAMA

BINARIL

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MEDICAL CENTER

CALOOCAN POLICE

FRANCISCO URBANO

LIBIS ESPINA ST.

NAGTAMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with