^

Metro

Kelot bulagta sa riding-in-tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang lalaki na pinagbabaril ng riding in tandem suspek sa lungsod Quezon, kama­kalawa ng gabi.

Si Billy Dijamco, 39,  ng Brgy. Commonwealth ay agad na binawian nang buhay sa lugar makaraan ang krimen, ayon kay PO3 Jaime de Jesus, imbestigador sa kaso.

Mabilis namang nag­si­takas ang mga suspect lulan ng motorsiklo at  kapwa naka­suot ang mga ito ng helmet.

Nangyari ang insidente sa harap ng isang salon sa Block 4, Lot 8, Don Fabian St., Brgy. Commonwealth, ganap na alas-10:40 ng gabi. Sabi ng isang testigo, nakita niya ang pagdating ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo at huminto malapit sa lugar.

Matapos ito, bumaba ng motorsiklo ang backrider at biglang nagbunot ng baril habang papalapit sa walang kamalay-malay na biktima na nakatayo sa lugar saka ito pinagbabaril sa ulo.

Dead-on-the-spot ang biktima, habang ang mga suspek naman ay mabilis na tumakas papalayo sa na­sabing lugar.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) narekober nila sa crime scene ang limang basyo ng kalibre 45 baril at isang tingga nito.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na pagpaslang habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.

vuukle comment

APAT

BLANGKO

BRGY

DON FABIAN ST.

JAIME

MABILIS

MATAPOS

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SI BILLY DIJAMCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with