^

Metro

Fixer sa PCSO, timbog sa entrapment

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang babae na sinasabing ‘fixer’ sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)  nang mambiktima ng isang kaanak ng pasyenteng nanghihingi ng tulong-pinansiyal sa nasa­bing tanggapan na hini­ngian nito ng P4,000 sa isang coffee shop  sa Sta. Cruz, Maynila, kama­kalawa ng hapon.

Nakapiit sa  Manila Police District-General Assignment Section ang suspek na kinilalang si Gina Reyes, alyas  Rhia, 49,  ng Tayabas St.Tondo, Maynila.

Inilatag ang operas­yon laban sa suspek matapos ang pakikipag-ugnayan ng intelligence officers ng PCSO na sina Efren Fajardo, Venerando Ozores at Juser Tupas kay MPD-GAS chief, Senior Insp. Arsenio­ Riparip.

Nabatid na nais lamang ng biktimang si Hazel Alicante na makakuha kaagad ng Guarantee Letter na ipinagkakaloob ng PCSO bilang tulong sa hospital bill kaya nang alukin ng suspek na mapapadali ang pro­seso kung lalakarin niya ay pumayag ito.

Sinabi umano ng suspek na siya ay ko­nektado sa PCSO kaya nagtiwala ang biktima at nakipagkasundo sa nasabing halaga.

Subalit nadis­kubre umano na hindi ito kilala sa nasabing tang­gapan at hindi rin konektado.

Nagawa tuloy isup­long sa PCSO Intelligence Section ang suspek kaya inihanda  ang entrapment.

Nang makipagkita sa isang coffee shop   ang suspek at tangga­pin ang P4,000 marked money ay dinamba na ito ng mga tauhan ng MPD-GAS na sina SPO1 James Poso at PO3 Jayjay Jacob.

 

vuukle comment

EFREN FAJARDO

GINA REYES

GUARANTEE LETTER

HAZEL ALICANTE

INTELLIGENCE SECTION

JAMES POSO

JAYJAY JACOB

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with