^

Metro

102 palaboy sa Pasay, nasagip

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasagip ng mga tauhan ng pamahalaang lungsod ng Pasay at Department of Social Welfare and Development (DSWD)  ang nasa 102 mga palaboy at  mga walang tirahan,  kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa Pasay City DSWD, karamihan sa mga na-rescue  nila ay mga paslit, kabataan at matatanda na wala umanong tirahan. Ala-1:00 ng madaling-araw nang umpishan ang pag-rescue sa mga taong natutulog sa kalsada sa kahabaan ng service road ng Roxas Boulevard at NAIA Road ng na­sabing lungsod.

Ang mga ito aniya ang namamalimos sa gitna ng mga kalye at nagiging peligro ito sa kanilang buhay dahil nakikipagpatintero ang mga ito sa mga dumadaang sasakyan.

Nabatid sa DSWD at Pasay City government, na tuluy-tuloy ang kanilang rescue operation sa mga palaboy sa kalye.

Ipinagmalaki rin ng DSWD na nakahanda na ang mga relief goods sakaling mayroon pang dumating na malakas na bagyo at ulan at handa rin silang mailipat sa mga evacuation center ang mga residente na maaapektuhan ng kalamidad.

Nabatid na ilan sa mga lugar na binabantayan ng DSWD ay ang Malibay, Tramo, at Kalayaan, Pasay City.

Nagpapasalamat din ang naturang tanggapan sa mga  Non-Government Organization (NGO’s) na patuloy na tumutulong sa kanila sa panahon ng kalamidad.

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

IPINAGMALAKI

KALAYAAN

NABATID

NON-GOVERNMENT ORGANIZATION

PASAY CITY

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with