^

Metro

Saleslady patay sa ligaw na bala

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang  saleslady ang  nasawi matapos na ta­maan ng  ligaw na bala sa ulo, habang sina­sabing  sugatan ang  isang mag-ama sa Port Area, Manila, kamakalawa.

Dead-on-the-spot  si  Rogelyn Cabildo, 21, ng 168 Mall at residente ng Baseco Compound, Port Area, matapos na mapuruhan sa ulo.

Inoobserbahan naman sa  Gat Andres Bo­nifacio Medical Memorial Center ang mag-amang sina Jonathan de Los Santos, 26 at  anak na si Justine, 1, na residente rin ng nasabing lugar na kapwa tinamaan ng bala ng  baril sa katawan

Batay sa ulat ni Det.Richard Escarlan naganap ang insidente dakong alas-3:55 ng hapon kamakalawa sa kahabaan ng Blk.9 Ext. Baseco, Compound sa Port  Area.

Sakay ni Ameli Mokasib sa kanyang tricycle  ang mga biktima nang mangyari ang insidente.

Tinapatan ng suspek si Mokasib at pina­ulanan ng putok subalit ang tinamaan ay ang mga sakay nito.

vuukle comment

AMELI MOKASIB

BASECO COMPOUND

GAT ANDRES BO

LOS SANTOS

MEDICAL MEMORIAL CENTER

PORT AREA

RICHARD ESCARLAN

ROGELYN CABILDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with