^

Metro

Maynila naging ‘gates of hell’ dahil sa maling pamamahala – Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada na naging ‘gates of hell’ ang  lungsod dahil sa maling pa­ma­malakad ng nakaraang  administrasyon nito.

Bahagi ito ng State of the City Address (SOCA) ni Estrada kung saan sinabi nito na ito naman ang dahilan kung kaya’t nagpu­pursige sila na maiahon ang  lungsod mula sa mga utang.

Ayon kay Estrada, unti-unti  nang  nabayaran ang mga utang gayundin ang mga buwis ng mga emple­yado na kinaltas subalit hindi­ ibinigay sa BIR.

Dahil dito, tiniyak ni Estrada na wala nang pagka­kautang ang lungsod sa iba’t ibang kompanya at government agencies sa Hulyo 2015.

Ayon kay Estrada, sinisiguro niya na ang bawa’t sentimo ng buwis ay pumapasok sa kaban ng lungsod.  

Ito na rin ang dahilan ng pagkakaroon ng compu­te­rization upang matiyak na ang lahat ng ibinabayad ng tax payers ay tama. Sa  pamamagitan din umano nito ay mababawasan ang graft and corruption.

Ang utang sa Meralco na dating ?613 milyon ay ?122 milyon na lang nga­yon habang kalahati ng ?57 milyon na utang sa tubig ay nabayaran na rin.

Umaabot naman sa ?190 milyon ang naibayad sa Bureau of Internal Revenue para sa mga buwis ng mga empleyado ng city hall na hindi nabayaran.

Ipinagmalaki rin ni Es­trada na  hindi  siya nabigo nang hamunin niya ang  kan­yang mga opisyal na pag ibayuhin ang koleksiyon.

Tumaas ang revenue collection ng kanyang  ad­mi­nistrasyon mula Enero hanggang Hunyo 2014 ng 29.75% o ?1.3 billion na mas mataas kumpara sa  ko­leksiyon ng nakaraang ad­­­mi­nistrasyon.

Malaki aniya ang kanyang pasasalamat kay Vice Mayor Isko Moreno at sa konseho sa pagpasa ng  batas na makabubuti sa lahat.

Asahan umano ng mga taga lungsod ang kanilang pagbangon sa larangan ng turismo at negosyo.

vuukle comment

ASAHAN

AYON

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

SHY

STATE OF THE CITY ADDRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with