^

Metro

2 pang pugante sa Mandaluyong police detention cell, naaresto

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa pa sa 11 bilanggo na tu­makas mula sa Mandaluyong City Police detention cell ang naaresto ng mga awtoridad nitong Lunes ng gabi sa isinagawang follow-up operation.

Ang mga puganteng sina Alber Llaneta­ na may kasong theft at Nelson Yambao na may kasong robbery ay kapwa­ nadakip sa bahay ng kani-kanilang kamag-anak.

Nauna rito, tumakas sa Mandaluyong Police detention cell ang mga preso sa pagitan ng ala-1:00 at alas-3:00 ng madaling-araw ng Lunes kung saan isa sa kanila ang una nang naaresto sa Welfareville Compound at nakilalang si Gabby Capistrano, na may kasong pagnanakaw.

Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang iba pang nakatakas na sina Anjo Remanes (illegal possession of bladed weapons), Archie? Pacheco (illegal drugs case), Alexander delo Cruz aka Anday (theft), Celestino  Lopez (theft), Jayson Santos (robbery), Noel Gonzales (theft), Rogelio Reyes (illegal drugs case) at isang Djordan Villadolid na may kasong falsification of public documents na siyang­ itinuturong pasimuno sa pagtakas.

Sinasabing tatlong araw na nilagari ng mga preso ang kanilang rehas at para hindi marinig at mabuko ay sinasabayan umano ito ng mga preso ng pagbuhos ng tubig.

Ayon naman kay Mandaluyong City Police chief Senior Superintendent Tyrone­ Masigon, hindi lahat ng tumakas na preso ay may intensiyong pumuga at sa halip ay tinakot lamang sila at pi­nuwersa upang sumama sa grupo.

Una na ring sinibak ni Masigon ang limang jail officers ng detention cell na sina Jail supervisory Inspector Reyni­gildo Suarez, duty desk officer PO3 Mateo Naayao,? at mga jail guards na sina PO2 Edward Pasco, PO3 Edwin Quiaile at PO1 Jose Zapata.

vuukle comment

ALBER LLANETA

ANJO REMANES

DJORDAN VILLADOLID

EDWARD PASCO

EDWIN QUIAILE

GABBY CAPISTRANO

INSPECTOR REYNI

JAYSON SANTOS

MANDALUYONG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with