^

Metro

Misis patay sa selosong mister

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang ginang ang pinatay sa saksak ng kanyang mister matapos magselos ang huli nang ipagmalaki at  sabihin ng una  na may ibang tao nang nakakaunawa sa kanya kahapon  ng umaga sa Pasay City.

Dead-on-arrival  sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Vilma Velazquez, 36, nakatira sa Kuyegkeng St., Zone 1,  Brgy. 2 ng naturang lungsod sanhi ng tinamong limang saksak ng ice pick sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nasa custody naman ng Pasay City Police ang suspek na mister na si Freddie Velazquez.

Batay sa isinagawang imbestigasyon nina PO3 Giovanni Arcinue at SPO1 Cris Gabutin, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay  City Police, naganap ang insidente alas-6:30 ng umaga sa loob ng bahay ng mag-asawang Velazquez sa  Zone 1, Brgy. 2 ng na­turang lungsod.

Base sa pahayag ng suspek na si Freddie sa pulisya, gabi pa lamang aniya  ay walang tigil na ang pag-aaway nilang mag-asawa dahil sa mga sinasabi sa kanya ng kanyang misis. May binabanggit pa umano itong tao na puwede umano silang buhayin.

Kung kaya’t dahil sa sama ng loob ay umalis na lamang ng bahay ang suspek  upang hindi na umano humaba pa ang kanilang pag-aaway.

Makalipas ang ilang oras lasing na lasing na bumalik ng bahay ang suspek na kung saan nadatnan nito ang kanyang limang anak at misis na natutulog na.

Dahil sa kalasi­ngan at sama ng loob ay gi­nising ng suspek ang biktima at muling kinompronta at pilit na pina­paamin kung sino ang taong ipinagmamalaki nito.

Hanggang sa mu­ling nag-away ang mag-asawa at sa kalagitnaan ng pagtatalo ay dinampot ng suspect ang isang ice pick at sunud-sunod na inundayan ng saksak ang misis.

Mabilis  namang  isinugod ng mga kapitbahay ang biktima sa nasabing pagamutan subalit hindi na ito uma­bot ng buhay.

Ang suspek naman  ay agad na sumuko kay Joel Savarez,  Brgy. kagawad at agad naman itong dinala sa  himpilan ng pulisya.

Katwiran ng suspek sa pulisya ay nagdilim lamang ang kanyang paningin dahil sa ma­tinding selos.

Samantala sasampahan ng kasong parricide ang suspek  sa Pasay City Prose­cutor’s Office.

vuukle comment

BRGY

CITY POLICE

CRIS GABUTIN

FREDDIE VELAZQUEZ

GIOVANNI ARCINUE

JOEL SAVAREZ

SHY

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with