^

Metro

1 pang SUV kinarnap sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang SUV ang tina­ngay ng mga karnaper sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon kay PO2 Richard Villamor ng Quezon City Police Station 10, ang panibagong biktima ng karnap ay si Ma. Cristina Montoya.

Natangay sa kanya ang isang Isuzu Sportivo X (VOL-693). Ayon sa biktima, pasado alas-5 ng umaga nang ta­ngayin ang kanyang sasakyan sa harap ng kanilang bahay sa Sct. Fuentebella St., Brgy. Sacred Heart.

Diumano, narinig na lang ng biktima na umandar ang kanyang sasakyan at nang kanyang puntahan ay wala na ito sa lugar na kanilang pinagparadahan.

Kamakailan lamang, isang Toyota Innova ang tinangay din ng mga karnaper sa may Brgy. Sto. Cristo, habang nakaparada ito sa harap ng bahay ng isang biktima.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

CRISTINA MONTOYA

FUENTEBELLA ST.

ISUZU SPORTIVO X

QUEZON CITY POLICE STATION

RICHARD VILLAMOR

SACRED HEART

TOYOTA INNOVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with