^

Metro

Karambola ng 19 na sasakyan, 8 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walo katao ang na­sugatan sa karambola ng may 19 na sasakyan sa Brgy. Barangka, Marikina City nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ng Marikina Rescue 161, dakong alas-8:30 ng gabi nang ma­ganap ang insidente sa Marcos Highway, ma­lapit sa Katipunan Ave­nue sa Brgy. Barangka.

Sinasabing nawalan ng kontrol sa manibela ang isang container van nang pumalya ang preno na naging sanhi upang magkabanggaan ang may 19 pang iba’t ibang uri ng behikulo.

Sinakop ng mga ito ang tatlong lane ng truck na nagresulta sa mabigat na daloy ng trapiko sa lugar.

Kaagad namang na­isugod sa pagamutan ang mga biktima na bahagya lamang nasugatan sa insidente.

vuukle comment

BARANGKA

BRGY

KAAGAD

KATIPUNAN AVE

MARCOS HIGHWAY

MARIKINA CITY

MARIKINA RESCUE

MIYERKULES

SINAKOP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with