^

Metro

Mister, arestado sa pekeng pera

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado sa mga awtoridad ang isang mister matapos mahuling gumamit ng pekeng pera sa kanyang pagbili sa isang pharmacy sa Pasig City, kahapon ng umaga.

Ang suspek ay kinilalang si Fernando De Leon, 34, residente ng Barangay Sta. Lucia sa lungsod.

Inaresto si De Leon dakong alas-7:00 ng umaga dahil sa paggamit ng pekeng pera sa pagbili ng tubig at deodorant sa isang sangay ng Generic pharmacy drug store sa nasabing barangay.

Ayon sa report, ibinayad ng suspek sa binili nito ang pekeng P1,000 pero nang suriin ang nasabing pera ay nabatid na peke kaya siya pinigil.

Narekober pa sa bulsa­ ni De Leon ang tatlong­ pi­ra­­­song P500 bill at pitong pirasong P1,000 bill.

Tumangging magbigay ng pahayag si De Leon kung saan niya kinuha o sino ang nagbigay sa kanya ng mga pekeng pera na dati na ring nahuli sa kahalintulad na kaso.

Nakatakda ngayong kasuhan ng illegal use of false treasury at bank note ang suspek na ngayon ay nakakulong na sa himpilan ng pulisya.

Pinapayuhan naman ng mga awtoridad ang mga tin­dera at negosyante na kilatising mabuti ang pera bago ito tanggapin mula sa kanilang mga kostumer.

llang palatandaan na peke ang pera kung madulas ito, walang water mark at iba ang itsura ng tao kapag itinapat sa liwanag.

 

vuukle comment

ARESTADO

AYON

BARANGAY STA

DE LEON

FERNANDO DE LEON

INARESTO

NAKATAKDA

PASIG CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with