^

Metro

Pulis utas, misis sugatan sa tandem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang opisyal ng pulisya habang sugatan naman ang misis nito matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem habang lulan ng kanilang kotse sa Mandaluyong City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawi na  Chief Inspector Elmer Santiago, residente ng Pasig City, habang ang misis nito na si Agnes ay gina­gamot ngayon sa Polymedic Medical Center.

Nabatid na si Santiago ay kasalukuyang nasa ‘floating status’ sa Central Luzon Police Regional Per­sonnel Holding and Administrative Unit at da­ting nakatalaga bilang intelligence officer ng Bataan Provincial Police.

Batay sa ulat ni PO2 Jay Segui, ng Mandaluyong City Police, naganap ang krimen dakong alas-10:30 ng umaga habang ang mag-asawa ay lulan ng isang itim na Toyota Altis, na may plakang WTY 700 at may Philippine National Police Academy (PNPA) commemorative plate sa harapan nito.

Ayon sa report, bina­bagtas ng mag-asawa sakay ng kanilang kotse ang Talumpong St. sa Brgy. Malamig, Mandaluyong City nang sabayan sila ng dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Pagtapat umano ng mga suspek sa sasakyan ng mga biktima ay bigla na lamang silang pinagbabaril.

Sinasabing nakasuot ng bonnet ang mga suspek kaya hindi namukaan ng mga testigo na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang mahigit sa 20 bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa crime scene.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa krimen.

vuukle comment

BATAAN PROVINCIAL POLICE

CENTRAL LUZON POLICE REGIONAL PER

CHIEF INSPECTOR ELMER SANTIAGO

HOLDING AND ADMINISTRATIVE UNIT

JAY SEGUI

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

PASIG CITY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACADEMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with