^

Probinsiya

10K studes sa Albay, balik-eskuwela na

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Balik-eskwela na ngayong araw ang nasa higit 10,000 estudyante sa elementarya at high school matapos maantala ang kanilang klase nang mahigit isang linggo dahil sa pag-aalburuto ng Mt. Mayon sa Legaspi City sa Albay.

Ang mahigit 10,000 mag-aaral ay nagmula sa sampung paaralan na nasa loob at labas ng danger area mula sa mga bayan ng Sto. Domingo, Malilipot, Daraga, Guinobatan, Camalig at mga lunsod ng Legazpi, Ligao at Tabaco. 

Ayon sa DepEd, hindi lang ang mga batang nasa danger zone ang naapektuhan kundi maging ang mga mag-aaral ng 150-classrooms na ginamit bilang evacuation center. 

May ginawa na umano ang DepEd na scheme para makapasok na ang lahat ng estudyante gaya ng pag-iskedyul ng tatlong shifting sa loob ng classroom, pagpasok ng mga mag-aaral na bakwit sa eskwelahan kung saan sila lumikas at pagpagawa ng mga Temporary Learning Spaces (TLS) 

Umaasa ang DepEd-Albay at PDRRMC na magpapadala sa lalong madaling panahon si Sec. Leonor Briones ng pondo para sa pagtatayo ng karagdagang mga TLS.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with