1,428 security forces ide-deploy sa Ati-Atihan
MANILA, Philippines — Umaabot sa 1,428 security forces mula sa pinagsama-samang contingents ng mga law enforcement agencies ang ide-deploy upang matiyak ang seguridad sa gaganaping tradisyunal na “Ati-Atihan Festival 2018” na inaasahang daragsain ng libu-libong katao sa Kalibo, Aklan.
“The Site Task Group (STG) Ati-Atihan Festival, composed of the PNP, local government units, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, and other stakeholders, will be fielding a combined contingent of 1,418 public safety personnel from the law enforcement, fire, and medical emergency services,” pahayag ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos.
Sinabi ni Police Regional Office (PRO) 6 Director P/Chief Cesar Hawthorne Binag na handang–handa na ang pulisya` at iba pang law enforcement agency sa pagpapatupad ng security measures sa Ati-Atihan festival.
Sa kabila na walang namomonitor na banta sa seguridad sa Ati-Atihan festival, nanawagan si Binag sa mga mamamayan na maging mapagmatyag sa lahat ng oras upang hindi maisahan ng mga masasamang elemento.
Maaari aniyang ireport sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang kilos sa lugar at maging ang mga inaabandonang bagay sa hotline numbers 09083770187, 09995880537.
Nabatid na ang Ati-Atihan ay ang binansagang “Mother of all Philippine Festivals,” na taunang isinasagawa sa piyesta ng Sto. Niño tuwing ikatlong linggo ng Enero sa Kalibo, Aklan.
- Latest