^

Probinsiya

Lolo nag-suicide sa memorial park

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang matin­ding depresyon ang isa sa motibo kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 71-anyos na lolo matapos itong magbaril sa sarili sa Zamboanga City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Benedicto Remigio, tubong Cebu City at naninirahan  sa Governor Alvarez, Brgy. Zone 3 sa nasabing lungsod.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente sa bisinidad ng Forest Lake Memorial Park sa Brgy. Tumaga bandang alas-2:38 ng hapon.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nagtungo ang biktima sa loob ng nasabing memorial park na nakita pa ng ilang residente na balisang umiikot sa nasabing lugar.

Ilang saglit pa ay umalingawngaw ang putok ng baril matapos na magbaril sa sarili ang matanda gamit ang cal. 22 revolver.

Narekober naman ng mga awtoridad ang dalawang basyo ng bala ng nasabing armas at tatlo ring bala na hindi pa naiputok.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with