PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bunso pinatay sa palo ng kuya

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Brutal na kamatayan ang sinapit ng 32-anyos na lalaki matapos itong pagpapaluin ng sariling kapatid na sinasabing adik sa Barangay Pag-asa, bayan ng Mlang, North Cotabato, kamakalawa ng gabi. Base sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Rolly Oranza, hepe ng Malang police station, pauwi na ang suspek na si Romeo Bayang Bedoya, 34, nang makasalubong ang nakababatang kapatid na si Ronelo Bayang Bedoya. Sa hindi nabatiod na dahilan ay biglang pinalo ng suspek sa mukha ang kanyang utol hanggang sa mawalan ito ng malay. Tinangkang mamagitan ng ama ng mag-utol ang kaguluhan subalit maging ito ay sinuntok ng suspek. Agad na isinugod sa bahay pagamutan ang biktima subalit hindi umabot ng buhay dahil sa tindi ng sugat sa mukha. Nasakote naman ang suspek na ngayon ay nakapiit sa detention cell ng pulisya at nakatakdang kasuhan. Sinasabing dati na rin umanong nakulong ang suspek dahil sa gumagamit ito ng droga.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: