^

Probinsiya

8 tinumbok ng trak, kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Walo-katao na nagtutulak ng traysikel na tumirik sa gitna ng kalsada ang malubhang nasugatan makaraang tumbukin ng Mitsubishi van sa Magat Bridge sa Barangay Del Pilar, bayan ng Cabatuan, Isabela kamakalawa ng gabi.? Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Prospero Agonoy, hepe ng Cabatuan police station, nasilaw si John Michael Peñaflor sa headlights ng kasalubong niyang sasakyan kaya hindi niya napansin ang sinusundang traysikel na itinutulak ng mga biktima na naubusan ng gasolina. Animo’y bowling na tumilapon sa ere at nagpagulung gulong sa kalsada ang mga biktimang sina Princess Kaye Abad, 11; Agnifer Abad, 29; Jenilyn Villanueva, 24; Prima Ilarde, 21; Boy Abad, 32;  Federico Bayuca, 22; at mag-amang Wilson Abad, 30; at Wilson Abad Jr., 6.? Isinugod ng mga sumaklolo sa isang pribadong hospital ang mga biktima na nagkabali-bali ang buto habang nasakote naman ng mga pulis ang driver ng van matapos ang sakuna.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with