^

Probinsiya

Police chief dedo, 4 sugatan sa road mishap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Police chief dedo, 4 sugatan sa road mishap

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, kasalukuyang minamaneho ni Sarmogenes ang asul na Toyota Avanza (ZJP 509) sa nasabing highway  nang makabanggaan nito ang berdeng  Mitsubishi  jeep (LMP 598)  na minamaneho ni Joselito Aberde na lulan ang  tatlo pang nasugatang biktima. Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Kamatayan ang sinapit ng 54-anyos na hepe ng pulisya habang apat naman ang nasugatan makaraang magsalpukan ang dalawang sasakyan sa kahabaan ng Cotabato-Davao Highway sa KM 110, Barangay Amas, Kidapawan City, North Cotabato kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang police chief na si P/Chief Inspector Raymund Sarmogenes, officer in charge ng Antipas  Municipal Police Station sa North Cotabato.

Isinugod naman sa paga­mutan ang mga nasugatang biktima na sina Joselito de Julian Aberde, 51, driver ng Mitsubishi jeep  (LMP -598);  Maria Aberde, Jenny Joy Aberde, at si Johnrey Aberde.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, kasalukuyang minamaneho ni Sarmogenes ang asul na Toyota Avanza (ZJP 509) sa nasabing highway  nang makabanggaan nito ang berdeng  Mitsubishi  jeep (LMP 598)  na minamaneho ni Joselito Aberde na lulan ang  tatlo pang nasugatang biktima.

Ayon sa pulisya, pabalik na si Sarmogenes sa himpilan ng pulisya mula sa Cotabato Police Provincial Office  nang makasalubong si kamatayan. Sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang nasabing hepe na idinekla­rang patay sa Cotabato Provincial Hospital.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with