^

Probinsiya

Negosyante itinumba ng tandem

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang 27-anyos na negosyanteng Indian national makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa naganap na ambush sa Barangay San Emmanuel, Tacurong City, Sultan Kudarat kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Harpeet Sing Dhillon na may negosyong pagpapautang na may tubo.

Sa ulat ng Tacurong City Police, naitala ang insidente sa nasabing lugar bandang alas -7:20 ng umaga.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, kasalukuyang nagmomotorsiklo ang biktima nang sundan ng tandem saka pinagbabaril.

Nabatid na ang biktima ay kaaalis lamang sa kanilang bahay at mango­ngolekta ng mga pahulugan nito sa ilang barangay.

Matapos masigurong patay na ang target ay mabilis namang tumakas ang tandem assassins.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with