PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

4 dalagitang stude kinidnap, ginahasa

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Apat na babaeng high school student ang umano’y kinidnap at ginawang sex slave ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa bayan ng Gattaran, Cagayan, ayon sa ulat kahapon.

 Sa pahayag ng pulisya, dalawa sa mga biktima na itinago sa mga panga­lang Ana 14 at Fe, 15, pawang mag-aaral ng Don Mariano National High School sa Guising, Gattaran, ang umano’y dinukot dakong alas-12:00 ng tangahali noong Nobyembre 28, 2017. Habang sila ay nag­lalakad pauwi sa kanilang tahanan, hinintuan umano sila ng isang dark green na van at nagmagandang loob na isakay.

 Matapos makitang may dalawang iba pang mga kabataan na babae sa loob ng van ay pumayag naman ang dalawang biktima na sumakay. Subalit nang mara­ting nila umano ang barangay kung saan sana sila bababa ay hindi na huminto ang van kasabay na rin ng kanilang pagkahilo at tulu­yang pagkawala nang malay.

 Pagkagising umano ng apat na biktima ay nasa loob na sila ng isang bahay kung saan dito na sila inumpisahang ginahasa. 

 Noong Nob. 29,  muli umanong ginahasa si Fe ng dalawang beses ng isa sa mga suspek na tinawag ng kasamahan sa pangalan na Mike. Ikinulong umano sila sa magkakahiwalay na kuwarto nang walang damit habang si Fe ay inilagay sa loob ng closet sa loob ng ilang araw.

 Nitong Sabado, Dis­yembre 2, isinakay ng isang naka-bonnet sina Ana, Fe at isa pang hindi natutukoy na biktima kung saan matapos ang mahigit sa isang oras umano nilang biyahe ay ibinaba sila malapit sa Don Mariano National High School dakong alas-9:40 ng gabi.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 Nagbanta umano ang mga suspek na papatayin ang mga biktima kapag magsusumbong sa awtoridad. Gayunman, naglakas-loob ang dalawa sa kanila na magsuplong sa himpilan ng pulisya para madakip ang mga suspek.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: