PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 patay sa pamamaril

CAVITE , Philippines  —    Dalawa-katao ang napatay sa naganap na magkahiwalay na pamamaril kamakalawa sa lalawigan ng Cavite. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, binaril at napatay ng dalawang hindi kilalang lalaki ang 28-anyos na si Dennis San Antoni sa kanyang bahay sa Barangay Teniente Tiago sa  bayan ng General Mariano Alvarez. Samantala, binaril din at napatay ng hindi rin kilalang lalaki ang 25-anyos na si Gee Mark Cajipe ng Tropical Village sa Pabahay 2000, Barangay San Francisco sa General Trias City, Cavite. Base sa police report, nakatayo sa alley ng Tropical Village ang biktimang si Cajipe nang mapagtripang lapitan at ratratin bandang alas-5:45 ng hapon. Kaagad na tumakas ang gunman na animo’y walang naganap na krimen.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: